Tuesday, February 23, 2010

GROWING OLD



SA ATING PAGTANDA

Isang taon na naman
Dagdag sa aking buhay
Maraming dagdag-bawas tiyak nakaabang
Iba’y nakakainis, iba nama’y kapakipakinabang
Ngunit lahat ng ito’y spices of life, bahagi ng buhay.

Mga kulubot sa mukha
Tiyak dadami na naman
Pero Olay Total Effects lang katpat niyan
Kakapal ang mga uban, di na mabilang
Isang box ng L’Oreal lamang
Tiyak burgundy lahat yan.

Mga excess fat at bilbil maglilitawan
Push ups at jogging lamang
Tiyak tunaw lahat yan.
Arthritis at gout naku!
Dapat nating abangan
Ngunit ABS Bitter Herbs lamang atras lahat yan.

Sabay sa dagdag na edad
Tiyak na ang dagdag na responsibilidad
Di bale, mga kaibigan, dagdag na experience
At sure na extra income yan.

Mga detractors at inggitera tiyak dadami yan
Pero lilipulin sila ng mga tapat na kaibigan

Ang pagtanda ay sadyang di mapigilan
Ngunit ito’y di dapat katakutan
Sa halip sa Lumikha ito’y pasalamatan.

Dapat tayong magpasalamat
Panibagong buhay at pagkakataon
Na magmahal at ituwid ang ating mga kasalanan.

jpp/02242010

2 comments:

  1. Isa ako sa dagdag na sakit ng ulo mo.... Longtimeago

    ReplyDelete
  2. naku...yan ang pinakamalaking kasinungalingan....hindi ka isa sa sakit ng ulo ko...isa ka sa dapat ituwid na kasalanan (pero alam ko na darating din ang araw na hindi ka na kasalanan)

    ReplyDelete