Sunday, March 7, 2010

Can't be with you...but...


Sometimes no matter how hard we try to preoccupy our minds just to get away with the feeling of loneliness and longing, we could not seem to escape. The desire to be with that special person closest to your heart keeps popping up, and the desire just keeps stronger as days of absence go longer. Yet, loneliness is gradually changed to happiness when we realize that the same person we are longing for is also longing for us...

Amidst the feeling of aloneness, this poem was made...for that special someone who is miles away...but has always remained and will always remain closest to my heart - my dear BREAD.


Pangungulila

Kapag magsusungit ang langit,
Ulan ay tila walang patid
Pilitin mong huwag palunod sa lumbay
Ni patangay sa agos ng pangungulila.

Kung pilit naghahari kalungkutan at pighati
Huwag mangamba, huwag pagapi
Sisiskapin kong ipinta ang bahaghari
Iaalay sa iyo nang lungkot mo'y mapawi.

Mainit kong kamay iyong abutin
At pakinggan ang pusong pumipintig.
Kung paggising mo, kumilala sa saya ay nalimot mo na
Iaalay ko aking mata upang tanglawan ka.

At kung nauupos ka na sa pagkainip,
Kung nakababagabag ang mga tanong sa isip
Kung makaramdam ka ng pangungulila't pagkainip
Gawin akong bangka at tumakas ng kahit saglit.

Mangangahas akong idulot ang lahat.
Sapat nang sukli ang mabatid na
Ika’y nasa mabuting kalagayan
At labis na kung igaganti dalisay ding pagmamahal.

Gantimpala naman ng Maylalang
Kung piliin ang makasama ako
Kahit sa isang sandali ng aking buhay,
Dahil isang sandali sa piling mo’y katumbas ng habambuhay.

Sa dapithapon nito, ang huling hininga’y
Lagusan sa panibagong daigdig,
Doo’y kapiling kita gaya ng sa aking panaginip
Luha'y kagalakan at tuwa, hindi ng pait.

Ngunit kung sa kabilang buhay ay tumanggi,
Walang panibughong sa akin ay maririnig
Huwag mo lang sanang ipagkait
Ang pagkakataong sa iyo ay maipabatid
Ang aking pagmamahal at galak nang ika’y nakita kong muli.